Mag-isang
Nakahiga.
Lumuluha.
Ipipikit
Ang mga mata,
Pipiliting
Makatulog
Nang mahimbing,
Nang nagpapanggap
Na ika’y nasa aking tabi
At hagkan ako.
Pipiliting
Damhin ang init
Ng iyong bisig,
Ng iyong pagpulupot,
Ng iyong pagtaklob
Sa aking hindi mahinahong damdamin.
Maghihintay na lamang,
Aasa
Na ngayon naman
Sa aking pagtulog
Ay magkaroon ng magandang panaginip.