Hanggang kailan, isang pagmumuni

Gaano pa katagal ang paghihintay?
Hindi naman tiyak kung kailan,
hindi tiyak ang kasiguraduhan,
hindi tiyak ang mga salitang nabitawan nang minsan.

Gaano pa katagal tayo’y aasa?
Hindi naman hawak ang kapalaran,
hindi rin alam ang siyang patutunguhan,
hindi rin alam ang siyang pinanghahawakan.

Gaano pa katagal ang paghihintay,
ang pag-aasang makamit ang ating ninanais,
ang pagkapit sa mga hindi naman katiyakan,
ang pagsusumamong sana’y ito na nga.

Ngunit kung ang kahahantunga’y hindi ninanais,
hindi sinasadya,
hindi lubos inaakala,
pasasaan pa.